for xiao 2.jpg
Noong huling taon ko sa UP Diliman, isa sa mga hindi ko malilimutang tao na aking nakilala ay si Michael Chua. Xiao ang tawag namin sa kanya. Naging guro ko sa sa Kasaysayan I.. ang isa sa iilang mga makabuluhang klase na kinuha ko sa UP.
Kaya ko sinusulat ito ngayon ay para mabasa ng mga taong namumugad sa isa sa pinaka tanyag na Unibersidad sa Pilipinas.. na nakakalungkot at nakakapanghilakbot isipin na naroon sa kabila ng kapurulan at katitiran ng pagiisip at pagiging mga hepokrito!
Hindi ako magaling magsulat o magpahiwatig ng aking nararamdaman. Brutal ako magsalita at masyado akong prangka... kaya mainam din na mabasa nyo ito.. yan ang dahilan ng ikinagagalit ko at ng mga estudyante at naging estudyante ni xiao...
at sana mabasa din ito ng mga taong dapat makabasa ng mensahe kong ito:
Nakakahiya kayong lahat. Totoo nga nahindi lahat ng mga taga UP ay matatalino. Kung ang ibig palang sabihin ng pagiging matino ay ang maging tulad nyo, mabuti nang maging baliw ako. Sa apat na taon ko sa Unibersidad na yan, masasabi kong hindi lahat ng propersor ay nararapat na magturo. Nagkaroon ako ng mga klase na hindi pumapasok ang guro, hindi nagtuturo, magturo man mali pa, nagdadala ng alak sa loob ng klase upang makipaginuman sa mga estudyante at may mga pagkakataon pa na estudyante pa mismo ang nagmamakaawa sa propesor upang pumasok at magturo! At sila pa itong mga hanggang ngayon ay nandoon pa din! Nakatanga! At kung sino pa ang guro na karapat dapat sa posisyon, masipag, at may paninindigan sa kanyang katungkulan siya pa itong aalisin nyo sa Unibersidad na nawawalan na ng mga guro at propesor na matitino?!
At hindi lang isang mabuting guro si xiao. Isa din syang mabuting kaibigan at TOTOONG TAO!
Hindi lang ako galit sa inyo. Naaawa ako dahil sa mga ginagawa nyong paghila sa isang tao pababa ay nagpapatunay lang na nasa ibaba lang kayo!
Ngayon mas hindi ko na pinagsisisihan ang pag walk-out ko sa graduation ko. Bakit nga ba naman ako mag aaksaya ng panahon makinig sa mga taong hindi ko sigurado kung tama ba ang sinasabi. May mga hepokrito sa inyo. May mga tinitingala at nirerespeto ko sa UP pero hindi lahat! Aanuhin ko ang diploma at medalya ko kung manggagaling lang pala sa Unibersidad na may mga tao na may ganyang klase ng prensipyo! Inyong inyo na yan! I'm not proud to be a cumlaude. Hindi naman matino ang ibang mga propesor ko. Bat ako matutuwa sa grades ko dati?!
Sige lang tanggalin nyo si Xiao kung gusto nyo! Kawalan nyo naman eh!